Madami nang nagbago sa UP. Yung isawan, kung dati-rati basta oorder ka na lang, amay maya kukuning mo na lang ang isang dosenang isaw. Ngayon, may pila na, may order slip na pati. Naging systematic na sila sa pagkuha ng order ng mga customer. Hindi lang yun, may mic na ang tindera at hindi lang basta mic, naka-lapel pa. so kapag nalutoi na ang order, hindi na kailangang sumigaw pero dinig pa rin ng lahat ng mamimili ang order mo, kung magkano ang binayad mo at kung may problema sa order. Sa ibang pagkakataon, alam na rin ng ibang mamimili kung ano ang pangalan mo. Nakakatawa, broadcasted na ang order in a systematic way naman.
Marami na nga ang nagbago. hindi ko na kilala ang mga nakaupo sa tambayan, hindi ko na makilala ang mga mukha na dumadaan sa pasilyo ng kolehiyo, hindi ko na rin kilala ang ibang mga guro. Lumiit na rin campus, mula noong lumipat ang registrar malapit sa FC at dahil ang ruta ng toki umiksi na rin. Marami na ang nagbago; kasama na siguro ako doon.
Kailangan daw kasi ng pagbabago. Iyon lang hindi nagbabago sa mundong ibabaw. Malay natin baka si Oble may saplot na bukas o kaya naman puro mayaman na lang makakapag-aral dito. Pero sa lahat ng magbabago sa UP, sana hindi ang huli.
No comments:
Post a Comment