Ihanda mo na ang hot chocolate. Ilatag na ang mesa at ang notes mo. Ihahanda ko na ang utak ko sa mga diskurso mo. Ayusin na ang baso at ang tenga, linisin. Mahaba-habang usap ito. Madami akong ikukuwento sayo. Ikaw din, may utang ka pang mga kwento sa akin.
Magbabahagi ako ng nabasa, narinig at naisip ko. Ikaw, ihanda mo na ang baraha mo, ang utak mo sa pag-intindi sa walang kwentang teorya ko sa paligid at sa buhay.
Wala akong listahan, nakalimutan ko kasing isulat. Pipilitin ko na lang alalahanin ang lahat, kasama ang bawat detalye na maaring importante at hindi naman talaga.
Pag-usapan natin ang newly discovered na "atom smasher" na pagmumulan daw ng dark matter at pwedeng dahilan ng end of the world. Intindihin natin ang mga digits sa isang resibo ng mercury drug. Pag-usapan natin ang mga politiko, ang gobyerno. Malamang may mga natutunan ka matapos mapanood ang isang dokumentaryo sa TV, kasi ako, oo madami akong nalaman.
Sagutin natin ang mga gawaing pansanay ni BOb Ong sa stainless longganisa habang inaantay na matapos si Gboy sa Mcarthur. Ikaw, ano na naman ba natutunan mo kay Paulo Coelho. Sabi sayo, masyado siyang philosophical duduguin ka lang dahil nakakarelate ka sa kanya. Iba't ibang konsepto at pagtingin sa buhay ang theme ni Coelho. Kaya huwag mong gagayahin si Veronika pag binasa mo when She decides to die. Sabi ko sayo precoius sa akin ang librong iyon kaya sana, wag mong ihostage yun. kelangan ko yun kapag naguguluhan ako sa reality.
Ikukuwento ko sa'yo ang film na sinuportahan ng org ko. Akala mo silent movie dahil tungkol sa mga deaf. Hindi ano. Lagot. Ichichika ko sayo ang mga issue na bumabalot sa mga organisasyong sinalihan at sasalihan ko. Politika talaga. Kahit saan meron. Lumipat nga ako ng lungga, kalaban ko pa rin ang interes ng iba.
Ito muna sa ngayon. May aayusin pa akong papers eh. Bakit ba kasi kelangan isulat ang laman ng utak ko? At bakit dinidiktahan ako ng kung ano ang dapat ko isulat at ibahagi? Ayoko ng essay, ayoko ng reaction paper. Nililimitahan kais ako ng papel, ng oras at ng tinta ng bolpen. Pinipigilan ng grammar, sentence structure at language ang pagtakbo ng dugo sa utak ko. Imbes na isipin ko ang gusto ko talgang ipunto, nahahati pa sa ibang bagay.
O sya, madaling araw na. Sa susunod na lang ulit. Ipaalala mo ha, yung utang mo at utang ko na kwento. Yung debate na naudlot. Yung diskursong nag-aantay at yung diskusyon na naiwan sa ere.
No comments:
Post a Comment