Saturday, December 19, 2009

Intellectual Intercourse

Gusto ko mapag-usapan natin si John Locke, si Hobbes at ang kanyang leviathan, yung mga Espanyol na pumunta dito, o kaya si Aristotle at Darwin.

Gusto ko makilala si Jesus kasama ka at malaman kung bakit siya naging Christ at kung nagkagirlfriend ba siya. Bakit obese si Buddha eh samantalang payatot siya nung negmemeditate siya? Ano ba sa tingin mo pinagkaiba ni Allah kay God?


Tuklasin natin ang english ng santol, pagdebatehan kung bakit kelangan ba pag-aralan ang math. May life ba talaga after death? May mga martians ba at posibleng mabuhay tayo doon?


Gusto ko pagaralan natin si Nightingale, si Rizal, si Karl Marxx at ang kung sinu-sino pang nilalang na hindi ko alam kung buhay pa o patay na. Magdiskusyon tayo ng kanilang mga masakit sa ulo na teorya. Ang mga inisip nila at sinulat na ngayon ay pinag-aaralan ng kung sinu-sinong dalubhasa at feeling dalubhasa.


Gusto ko pakinggan kung ano ang tingin mo sa gobyerno ngayon. Is politics in the country very dirrrty? Gusto ko marinig sayo kung ano ba ang pilipinas noong bata ka at ano na siya ngayon.Gusto ko ibahagi mo ang natutunan mo noong kolehiyo ka. Sa mga bagay na nabasa mo noon at itinuro ng prof mo na hanggang ngayon ay di mo makakalimutan. Sa mga teksto na ginamit mo dati, sa mga diskusyon na sinalihan mo at sa kung tama nga ba ung prof mo dati. May mabuti bang naidulot ang pagsali mo sa frat? May natutunan ka ba at ano iyon? Totoo bang, "if you want to run for public office in the future, join a frat"? Sabi kasi nila iba ang politika sa frat or for any organization that has constitution and by-laws. Importante ba talaga yan? Resolved na ako doon. Gaya nga ng sabi ko, most of the revolutions and early institutions were founded by fraternities masking themselves as revolutionaries and peasants. Tsaka fratman si... fratman si... at saka ikaw...


Gusto ko malaman kung ano ang itinuro sayo ng buhay at ano ba talagang natutunan mo, alin doon ang importante. Ano ba ang buhay para sayo at ano ito ayon sa napanood mo sa HBO o sa Megamall Cinema? Ano ba ang sabi sa libro at naniniwala ka ba sa mga sinabi ng mga novelists? Ano ba sabi ng mga writers ng fairy tales at tsaka meron ba talagang fairies?


Gusto ko malaman ano ba palagay mo sa pagiging bayani ni Rizal. Si Rizal ba dapat o si Bonifacio? Pogi ba si Emilio Jacinto at anong koneksyon niya kay Aguinaldo? Ano ba opinyon mo sa pag-atake ni Bush sa Iraq at ano sa tingin mo dahilan ng walang tigil na pagtaas ng langis at bigas. Gusto ko marinig ano ang teorya mo sa paglubog ng Titanic o kaya naman ng Princess of the Stars. Ano ba ang posisyon mo sa systems loss ng Meralco, sa monopolyo at sa pagkidnap kay Ces Drilon.


Gusto ko marinig ang panig mo sa mga issues na bumabalot sa bansa natin. Ano ang pagkakaintindi mo sa kahirapan? Sa Forbes park, sa burgis at proletariat. Kelangan ba talaga ng division of labor at para saan ba ang nationalism, meron pa noon? Uso pa ba iyon in the first place?


Gusto ko magbahagi sayo ng mga natutunan, natututunan ko sa klase at sa pakikipag-interaskyon ko sa mga kaklase ko. Sa mga nabasa at binababasa kong fictional, nonfictional, scientific, theoretical o nonsensical books.


Gusto kong ijoke sayo yung mga jokes ni Bob Ong, ni Pol Medina, at ng kung sino mang komedyante.


Ok rin ang tsismis. Masarap makinig ng tsismis di ba? pero nakakairita pag tayo na ang pinagchichismisan or pag tayo na ang gumagawa ng chismis.


Masarap pagusapan ang walang kamatayang issue kung bakit mahirap ang pilipinas at kung bakit hanggang ngayon hindi tayo makakawala sa kuko ng agila (U.S.). Kung kelangan ba talaga natin si Uncle Sam o mamamatay ba ang Pilipinas pag nawala ang RP-US cooperation.
Maganda rin pag-usapan kung sino ba ang pinakacreative na race sa mundo? Alin ba mas magaling ang Japan, US o England. Sang-ayon ka ba pagsuporta ni Blair sa war on terrorism at di kaya may hidden agenda sa pag-atake sa World Trade Center at saka nasaan na ba si BIn Laden, nageexist ba siya in the first place.


Gusto kong marinig mo ang mga walang-kwentang criticisms ko sa mga taong nakakasalamuha ko, sa gobyerno, sa pulitika, sa MILF, NPA at sa iba pang mga bagay na talagang not worth talking about. Sa mga trivial facts na pinag-aaksayahan ko ng panahon pampalipas oras.
Gusto ko makipagdebate sayo tungkol sa mga bagay-bagay that people now neglect. Pag-usapan natin gkung maganda ba na may animated version ng star wars. Tsaka kung magaling ba umarte si Judy ann at bakit mahal pa rin siya ng masa tsaka nakatulong ba talaga yung fitrum?
Gusto kong mag-isip kasama ka, makipagkompetensya at paganahin ang utak, ang brain cells at paandarin ang mga fluids sa utak natin. let's outwit each other with a play of words and sharing of thoughts. Let's have an intercourse. One that is different from what the rest of the world think it meant. One that will make us think. Masarap makipagdiskuro kasama ang mahal mo. Dito ko malalaman ang mga alam at hindi ko alam, ang alam mo at ang hindi. Dito kita makikilala, mauunawan at mas mamahalin pa. Let us be critical about life and its issues.


Pangit ang taong di nagiisip at ayaw mag-isip. Pangit ang di nakikipagusap.Ibang feeling ang naidudulot sa akin when wes share information and thoughts. I get excited when I learn new things and I am ecstatic when I discover the world from a different light, from you.
madami pa kong gustong pag-usapan kasama ka. Madami pa akong gustong marinig at malaman galing sayo at tungkol sayo. Di sapat ang remaining 80 years ng buhay ko (kung ang limit ay 100 years) para makipag-usap sayo. Marami pa tayong pag-uusapan. Sana di mka mapagod at mairita. Sana di ka mabagot sa kadaldalan ko. Makikinig ako sayo kahit nasa labor room ako at minumura na kita sa sakit. Pipilitin kong makinig sayo kahit may oxygen tank na nakakabit sa akin. Or kung tinopak si God, kahit nasa kabaong na ako, makikinig pa rin ako sa mga sasabihin mo.


Patawad kung mag-aaway tayo pagkatapos. Di ko sinasadyang saktan ka at sanggain ang ego mo.

Pero ang pinakagusto kong marinig sa lahat ay ang totoong pag-ibig mo sa akin. It will take a lot of time to talk about so many things but it will only take us less than 3 seconds to tell how much we love someone. And that would silence even the loudest, greatest, most intelligent speaker.

No comments:

Post a Comment