May punto rin naman si Osang sa mga kalokohang sinabi niya sa TV. Dahil aminin na nating may mga teacher talaga na hindi mo alam kung teacher talaga o nakatapos ng 4 year course. Kahit sabihin ng statistics na 1% lang sa lahat ng populasyon ng mga guro. Hindi lahat ng dapat malaman ng isang estudyante ay maituturo ng guro.
At hindi lahat ng itinuturo ng isang guro ay dapat malaman ng isang estudyante. Dahil ang itinuturo ng isang guro ay ang kung ano ang nakasulat sa libro, kung ano ang nakasaad sa curriculum at kung ano ang sinabi ng board members. Tanging ang mga bagay lamang na sa tingin ng gobyerno ay dapat malaman ng estudyante, hindi ang mga bagay na dapat malaman niya para sa kanyang sariling pag-unlad at sa pag-unlad ng lipunan. Dahil lahat tayo ay nag-aaral habang nakakulong sa apat na sulok ng classroom. Nililimitahan tayo ng libro, ng pisara at ng batas sa loob ng eskwelahan. Maraming bagay ang dapat matutunan ng isang estudyante, higit pa sa dami ng libro sa lahat ng pinagsamang library sa UP.
Tayo ay pinipilit na mag-aral upang makahanap ng maayos na trabaho sa hinaharap. Hindi para sa sariling pag-unlad o makamit ang self-actualization. Bata pa lamang ay naprogram na tayo na maging mabuting taxpayer. Dahil ang walang natapos o diploma ay itinuturing na pahirap sa bayan, walang maitutulong sa ekonomiya. Sa huli, tayo ay hinuhubog sa loob ng silid-aralan upang maging taxpayer. Siyang mga nasa ibabang economic status ay konti lang naikokontribyut sa kaban ng bayan.
Hindi ka tuturuang maging kritikal, mapagmatyag. Ituturo sayo ang history at governance pero hindi mo madedevelop ang socio-cultural awareness. Hindi ang grade sa classcard o ang titulo sa diploma ang sukatan upang masabing edukado ka. Lahat tayo ay edukado, sa buhay, sa hirap at pakikipagkapwa. Hindi ang medals at stars ang sukatan ng kagalingan ng isang tao. Kung si Andres Bonifacio na walang pormal na eduksayon nagawang matutunan ang mga sulat nina Rousseau, si Victor Hugo at ang French Rovolution. Iyon ay dahil lumabas siya sa kumbesyonal na paraan ng pagkatuto. Ang mga uring manggagawa ay nakabuo ng ilang unyon, ilang samahan na bumuwag at bumuo ng mga nasyon. Sila na hindi nakulong sa apat na dingding ng silid-aralan.
Hindi sapat ang guro upang tayo ay umunlad. Tayo mismo ay dapat maging guro ng ating mga sarili.
Magbasa, maghanap, tumuklas.
No comments:
Post a Comment